BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, November 26, 2008

sobrang saya ko kanina, kasi sinabi mo na mahal mo din pala ako.
Naiyak ako sa sobrang tuwa.Niyakap kita ng napaka higpit
at sinabi ko sayo na 'di kita iiwanan, kahit kailan...
"sorry sa lahat, kung nasaktan ka ng dahil sakin" sinabi mo.
Tumitig lang ako sa mga mata mo at hindi nagsalita
hinatak kita maglakad, hinawakan moh ung kamay ko
at hinigpitan ko din ung paghawak sayo.
Naglakad tayong dalawa, hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko
napakasaya, na nakalimot ako.
Hindi ko mapigilang tgnan ang maganda mong mukha,
at nasabi ko sa sarili ko na, akala ko hndi mo ako matututunang mahalin.
Habang patuloy tayo sa paglalakadsy bigla mong binitiwan ang kamay ko.
Tumakbo ka papalayo, lumingon ka ng nakangiti sa akin.
Hinabol kita, ngunit hindi ko alam kung bakit 'di kita maabutan.
Hanggang sa nawala ka na lang sa paningin ko.
Wala ka na, kahit saan ako lumingon.
Nagising ako,mula sa mahimbing kong pagkakatulog.
Basa ang unan ko.Luha ang mga iyon, alam ko.
Umiyak ako dahil wala na akong magawa.
Tama nga sila, kabaligtaran ng panaginip ang realidad.
siguro hinabol dapat kita sa panaginip ko.
Baka sakaling abutan pa kita. Sana sa paglalakad mo papalayo hindi ka masugatan at madapa.
nandito lang ako pra alalalayan ka kung mangyari man ang bagay na 'yon.
kahit alm kong sa ibang tao ka pa din pupunnta


"akala ko totoo na"


~MaMORoE~

3 comments:

Unknown said...

nakakalungkot..T,T

~fallenheart~ said...

based on personal experience ba toh..?
grabeh.. so sad.., minsan akala ntin totoo na pero panaginip lng pla..nakakalungkot, kasi naiiwan taung uumaasa sa wala.....
=,(

Anonymous said...

sad! :(