Minsa'y may isang tao, na nadapa dahil sa pagmamahal. Pinilit niyang tumayo, at muling sinubukang maglakad. Ngunit ang laban niya ay di ganoon kdali. Sapagkat ang damdamin niya ay naghihirap at nakatali. Nkatali sa nakaraan, nakaraang mahirap kalimutan. Mga mapapait na karanasan, pilit na nilalabanan. ngunit para sa kanya'y, ito'y pagsubok lamang. Kaya't pinilit niyang ngumiti, lumaban at muling magmahal. Kahit alam niyang dito'y walang kasiguraduhan, magkagayon ma'y tuloy ang kanyang laban. Muli mang mdapa'y babangon at magmamahal tinibayan ang sarili't tinuloy ang laban na kanyan sinimulan.
0 comments:
Post a Comment