malinaw pa sa isip ko ang nangyari a gabing iyon. isang napaka espesyal na gabi, espesyal para sa mga tao na umiibig at hindi sa tulad ko. Pinilit ko na lang na pagmasdan ka sa malayo, habang nakikita 'kong masaya ka na kasama siya. Habang patuloy sa pagtugtog ang musika, patuloy din ang mga mata ko, sa pagpigil ng mga luha.
Salamat at nagkaroon ako ng pagkakataong makausap at makasama ka. Kahit sa ilang saglit lamang, msabi ko ang nais bigkasin, mga salitang nakakubli sa kabila ng mga msasayang ngiti.
"PATAWAD" ang sinambit ng aking mga labi. Hndi ko man nasabi ang dahilan, dahil alam kong mas mabuti kun itatago ko na lamang, hindi ko mapigilang tignan ang mganda mong mukha sa mga oras na iyon., napakasarap pakinggan ng matamis mong boses. Hiniling ko na sana'y huminto ang oras ng mga panahong 'yon, upang mas matagal kitang makasama.
Ang mga hiram na sandali ay tuluyan ng nawala. Binitwan ko ang iyong kamay at iniwan muli sakanya. Marahil ay dito ko nalang sasabihin kung ano ang dahilan ng mga salitang binigkas ko sa mga oras na 'yon.
PATAWAD sa lahat ng nagawa ko. Patawad dahil hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko, patwad kung ikaw parin ang nsa puso ko.
~MaMORoE~